IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ano ang humanismo ? ano ang naging papel nito sa panahon ng Renaissance?​

Sagot :

Humanismo

  • Ayon sa International Humanist and Ethical union, ang kahulugan ng humanismo ay bilang isang dekmokratiko o etikal na katayuan, na nagpapatibay sa pananaw na ang tao ay may mga karapatan at responsibilidad para mabigyang kahulugan ang kanyang sariling buhay  bilang pagpapahalaga.
  • Sa panunuring pampanitikan, ang humanismo ay kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa kanyang sariling tadhana.
  • Ang teoryang humansimo ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyong tao. Ayon sa paniniwala ng mga humanista, ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maibigay sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kalayaan sa pagpapasya.
  • Ang teoryang Humanismo ay nagmula sa tradisyong pampanitikan sa Europa sa panahon ng renaissance o muling pagsilang kung saan nakatuon ang pansin sa pagpapahalaga sa tao.

Pananaw sa Humansimo

  • Ang tao, ang kanyang saloobin at damdaamin ang pangunahing paksa.
  • Pinapahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino, kakayahan at kalikasan ng tao.
  • Ang layunin ng panitikan tungkol sa teoryang Humanismo ay upang ipakita na ang tao ang sentro ng mundo kung saan pinagtutuunan ng pansin kalakasan at mabubuting katangian ng isang tao.

Para sa karagdagang impormasyon kung ano ang epekto ng humanismo brainly.ph/question/2095199

Mababasa ang mga halimbawa ng tula tungkol sa humanismo sa brainly.ph/question/277323

Mababasa ang ibang paksa tulad ng paano nakatulong ang paglalapat ng teoryang humanismo sa pagpapakilala ng kultura o kaugalian ng bansa sa brainly.ph/question/1659906

#BetterWithBrainly