Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ano ang mga isaalang alang sapagsulat ng talumpati​

Sagot :

Answer:

Ang talumpati ay isang paraan upang maipahayag ang kaalaman, impormasyon o opinyon tungkol sa isang paksa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Ang tawag sa taong nagtatalumpati sa harap ng publiko ay mananalumpati. Paano gumawa ng talumpati? Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati:

Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati ay ang paggamit ng uri ng wika at mga angkop na salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng iyong mga tagapakinig.

Maglaan ng oras upang maghanda ng magandang paksa.

Magsaliksik tungkol sa iyong napiling paksa. Maaari ring gumamit ng dating kaalaman o karanasan.

Gumawa ng pagbabalangkas ng ideya. Hatiin ang iyong talumpati sa tatlong bahagi: ang simula o introduksyon, katawan at katapusan o konklusyon.

Maging sensitibo. Isaalang-alang na kailangan mong kunin ang atensyon ng iyong mga tagapakinig.

Tandaan na isa sa mga katangian ng isang talumpati ay ang paggamit ng mga tayutay na nakakatulong sa pagganyak at panghihikayat sa iyong mga tagapakinig.

Iyan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang talumpati. Sana ay nakatulong ito sa iyo upang gumawa ng iyong sarili at orihinal na talumpati.

Narito ang iba pang mga paksa na may kaugnayan sa nasabing paksa:

Ano nga ba ang kahulugan ng talumpati at iba pang detalye tungkol dito: brainly.ph/question/902682

Ano ang kahulugan ng talumpati: brainly.ph/question/223512

Paano nga ba naiiba ang talumpati sa isang sanaysay: brainly.ph/question/206986

Explanation:

Sana makatulong :)