Ang Edukasyon sa Indonesia ay nasa ilalim ng pananagutan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura. Dapat sumailalim ang lahat na mamamayan sa siyam na taong sapilitang edukasyon , na binubuo ng anim na taon sa antas ng elementarya at tatlong taon sa antas ng sekondarya.
Ang Saligang-Batas ng Indonesia ay nagsasaad din na may dalawang uri ng edukasyon ang bansa: pormal at di-pormal. Ang pormal na edukasyon ay nahahati sa tatlong mga antas: primarya, sekondarya at tersiyarya.
Ang mga paaralan sa Indonesia ay pinapattakbo sa pamamagitan ng alinman sa pamahalaan (negeri) o pribadong sektor (swasta). Ang mga Islamic na paaralan naman ay nasa ilalim ng responsibilidad ng Ministry of Religious Affairs.