Sa Pilipinas, patuloy ang pagpapaunlad at paglilinang ng ating mga kultura para maipasa at maisalin pa ito sa iba pang mga henerasyon. Mayroong pinaghalu-halong kultura ang Pilipinas dahil na rin sa pagkakasakop nito sa iba't ibang bansa. Sa kasalukuyan, mas lalong pinaigting ang pagkakaroon ng pormal at mas maayos na sistema ng edukasyon kabilang na ang mga guro, mag-aaral at mga aklatan. Ang panitikan ng Pilipinas ay malawak na siyang sumasalamin sa iba't ibang pinagdaanan ng Pilipinas bago nito makamit ang kalayaan. Samantalang ang pamumuhay ay nanatiling simple at payak.