Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Pagyamanin
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod ay wasto kung mali ay palitan ang
pahayag upang maging tama. Isulat ang sagot sa malinis na papel,
1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
2. Ang paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na may dalawang
sektor, ang sambahayan at bahay-kalakal.
3. Ang babay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang produksiyon.
4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at
serbisyo sa loob ng bansa.
5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng ekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.
7: Ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kanilang kinita ay parehas.
8. Mahalagang gastusin ng sambahayan ay ang pamumuhunan.
9. Isa sa mahalagang gawain ng pamahalaan ay ang pangongolekta ng buwis sa mga kinita ng
sambahayan at bahay-kalakal.
10.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa ekwilibriyo.​