Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Naging mas makapangyarihan ang dalawa at mas sinusunud pa sila ng mga tao
Explanation:
parang mag-asawa na kung minsan ay nahihirapang magsama sa ilalim ng iisang bubong ngunit hindi mabubuhay nang magkahiwalay. Ang relihiyon at pamahalaan ay kapwa nangangailangan ng kalayaan para umunlad, ngunit ayon sa kasaysayan ay hindi makabubuting magkahiwalay ang mga ito. Magkaiba ngunit magkaagapay ang landas na tinatahak ng mga ito. Lubhang matagumpay at epektibo ang mga ito kapag pinoprotektahan at itinataguyod ng mga ito ang isa’t isa.
Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagprotekta at pag-iingat sa kalayaan sa relihiyon at sa pagkandili sa papel ng mga simbahan sa lipunan. Mabuti na lang, kinikilala ng karamihan sa mga pamahalaan sa mundo ngayon kahit paano ang kalayaan sa relihiyon at tinitiyak sa kanilang mga mamamayan ang karapatang sumamba at sundin ang kanilang relihiyon ayon sa idinidikta ng kanilang sariling budhi. Hindi iyan palaging nangyayari.
Maraming henerasyon na ang nakaranas ng kawalan ng kalayaan bunga ng panggigiit ng pamahalaan na magkaroon ng isang relihiyon para sa buong estado. Naranasan na ng iba ang paglalaho ng kagandahang-asal na kalakip ng lubusang pagbabawal ng pamahalaan sa relihiyon. Nagpapasalamat kami na nakikinita ng karamihan ng mga konstitusyon ng mga bansa sa mundo ngayon ang isang lipunan kung saan ang paniniwala sa relihiyon at paggalang sa relihiyon, kahit hiwalay sa pamahalaan, ay dapat protektahan at pangalagaan laban sa pang-uusig.
Ang pamahalaang binigyang-inspirasyon ng langit na inilarawan sa Aklat ni Mormon ay naniniwala at gumagalang sa kalayaan ng mga mamamayan nito sa relihiyon.
Ngayon, kung nais ng isang tao na maglingkod sa Diyos, ito ay kanyang pribilehiyo; o sa lalong maliwanag, kung siya ay naniniwala sa Diyos ay kanyang pribilehiyong paglingkuran siya; subalit kung hindi siya naniniwala sa kanya ay walang batas upang siya’y parusahan.
Sapagkat may batas na ang mga tao ay nararapat hatulan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan. Gayon pa man, walang batas laban sa paniniwala ng isang tao
Bilang mga taong may pananampalataya dapat tayong magpasalamat sa mga proteksyong ibinibigay ng pamahalaan na nagtutulot sa atin na lubusang tanggapin at igalang ang ating mga paniniwala sa relihiyon ayon sa gusto natin.
Ang Mahalagang Papel ng Relihiyon
Marahil ay di-gaanong kita ng ilan na mahalaga ang papel ng relihiyon at moralidad sa pag-iingat at pagtataguyod ng mabuti at epektibong pamahalaan. Ang tanging mga tunay na solusyon sa marami sa mabibigat na problemang kinakaharap ng ating mundo ngayon ay espirituwal, hindi sa pulitika o sa ekonomiya. Ang pagkapoot sa ibang lahi, karahasan, at mga krimeng nagawa dahil sa galit, halimbawa, ay mga espirituwal na problema, at ang tanging tunay na solusyon sa mga ito ay espirituwal. Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol
Labis na umaasa ang mga lipunan sa relihiyon at mga simbahan na magtatag ng kaayusang moral. Hinding-hindi makakagawa ang pamahalaan ng sapat na mga bilangguan para ikulong ang mga kriminal na dulot ng isang lipunang walang moralidad, masama ang ugali, at walang pananampalataya. Ang mga katangiang ito ay mas nahihikayat ng paggalang sa relihiyon kaysa sa utos ng batas o ng pulisya. Imposibleng makontrol ng pamahalaan ang mga pag-uugali, hangarin, at pag-asang sumisibol sa puso ng tao. Subalit ito ang mga binhing nauuwi sa pag-uugaling kailangang kontrolin ng pamahalaan.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.