IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
C.
Explanation:
Pamahalaang Sibil
Itinatag ang pamahalaang sibil noong Marso 2, 1901 .Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang sibil. Ang iba pang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t ibang sangay ng ehekutibo.ipinasa ng US Congress ang Spooner Amendment. Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan [ mamayan]. Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft Commission)
ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas. Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang lugar, ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad ng USA sa ibang bahagi ng kolonya. Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Heneral Taft. Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas kilala sa tawag na Philippine Bill of 1902.
Nabigay ng Pamahalaang sibil:
Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa karapatang panghukuman;
Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado sa US Congress;
Pagtatatag ng Philippine Assembly (Asambleya ng Pilipinas) na kakatawan bilang mababang kapulungan ng lehislatibong sangay ng Pilipinas at pagpapanatili ng Philippine commission (Komisyon ng Pilipinas) bilang mataas na kapulungan ng lehislatibo; at
Panangalaga ng mga likas na yaman para sa mga Pilipino.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.