IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Answer:
Bakit gusto mong maging guro?
Para sa akin ay masaya maging guro. Iba't ibang pag-uugali ng mga bata ang masasaksihan mo sa araw araw. Marahil nakakasakit ng ulo ang kakulitan at kahinaan ng ibang mga bata ngunit masarap sa pakiramdam ang makita mo silang nagbabago at natututo sa araw araw.
Ang mapasulat at mapabasa ang mga bata ay tila isang karangalan. Ito ay tila isang pagsubok ngunit ito ang magpapatunay na ginagawa mo ng tama ang iyong gawain bilang isang guro. Gusto ko ang ganoong pakiramdam.
Gusto ko ding maging isang guro dahil gusto kong maging parte ng tagumpay ng ilang kabataan. Nais ko silang tulungan na maabot ang kanilang makakaya. Ako ang magsisilbing gabay upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.
Explanation: