IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.


14. Si Rizal ay kasapi ng isang kilusan kung saan sinisikap ng mga Pilipino na matamo ang
pagbabago sa pamamahala ng Kastila sa Pilipinas tungo sa mapayapang paraan. Anong kilusan
ito?
A. La Solidaridad
C. Propaganda
B. Noli Metangere
D. La Liga Filipina
15. Noong ika-3 ng Hulyo, taong 1892. itinatag ni Rizal ang kapisanang "La Liga Filipina"
Makalipas ang apat na araw, ipinatapon siya dito dahil sa bintang na siya'y may kinalaman sa
kilusan ukol sa paghihimagsik. Dito siya ay nanggamot ng mga may sakit. Nagtayo rin siya ng
munting paaralan at nagturo sa labing-apat na mga bata. Dito rin niya nakilala si Josephine
Bracken, ang kanyang naging kabiyak. Saan pinatapon si Rizal?
A. Laguna
C. Leyte
B. Cavite
D. Dapitan
16. Ito ang pahayagang pampulitika na naglathala ng liberal at progresibong artikulo na
nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas na nilimbag ni Marcelo H. del Pilar kasama sila Graciano Lopez
Jaena at Jose Rizal.
A. La Solidaridad
C. El Filibusterismo
B. Noli Me tangere
D. La Liga Filipina
17. Isinulat ni Marcelo H. del Pilar ang Caingat Cayo, Dasalan at Tocsohan, Ang Cadaquilaan ng
Diyos, La Soberania Monacal en Filipinas, Pasion Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa,
La Frailocracia Filipina, Sagot ng Espana sa Hibic ng Filipinas, Dupluhan Dalit Mga Bugtong at Sa
Bumabasang kababayan. Sa anong sagisag panulat nakilala si Marcelo H. del Pilar?
A. Dolores Manapat/ Piping Dilat
C. Dimasalang/laong-Laan
B. Magdalo/Supremo
D. Tikbalang/Naning
18. Noong Marso 22. 1869, saan pinanganak si Emilio Aguinaldo? Dito rin unang iwinagayway
ang bandila ng Pilipinas.
A. Calamba, Laguna
C. Palo, Leyte
B. Kawit, Cavite
D. Dapitan, Zamboanga del Norte