Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Sa dinami rami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho ang pangunahing lunas para dito. Ngunit walang oportunidad na bumubukas para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging paraan, mangibang-bansa.
Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba pang pook upang doon manirahan nang panadalian o pang matagalan. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng mga migrante, tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang naninirahan sa iba’t ibang bansa noong 2009 lamang. Tiyak na higit na mas mataas na ang bilang nila ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa ibang bansa na nakapang-aakit sa maraming Pilipino at dahil na rin sa pag-asang makababangon sa kahirapan. Ngunit kabuntot nito ang panganib, pang-aabuso, at pagsasakripisiyo ng mga migrante para sa kapakanan ng minamahal na pamilya. Kung patuloy ang palobo ng bilang ng mga migrante, patuloy din ang pagbawas ng bilang ng lakas paggawa ng bansa na makapagdudulot ng paglubog ng ekonomiya nito. Subait, kung titingnan ang kabilang bahagi ng sitwasyon, hindi lamang masamang epekto ang dulot ng migrasyon, hindi lamang karahasan ang nararanasan ng bawat migrante, maraming pamilya rin naman ang nakakaahon sa hirap dahil sa laki ng kinikita bilang OFW.
Kung darating ang panahon na kaming mga kabataan Pilipino ay magiging lakas paggawa ng bansa, handa ba tayong magsakripisyo na mangibang-bansa? O mas pipiliin nating magsilbi sa sariling bansa?
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.