May limang tema ang heograpiya,
ito ay ang mga sumusunod:
Lokasyon-ito ay tumutukoy sa
kinaroroonan ng iba’t-ibang lugar sa daigdig
Rehiyon-ito ay bahagi ng mundo na
pinagsama-sama ng mga magkakatulad na katangiang kultural o pisikal
Lugar- ito ay tumutukoy sa mga
katangiang natatangi sa isang pook
Paggalaw-ito ay tumutukoy sa
paglipat ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar. Saklaw din
nito ang paglipat ng mga likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.
Interaksyon ng kapaligiran at
tao-ang kaugnayan ng mga tao sa kanyang kapaligiran o pisikal na kinalalagyan.