Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.