Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

_____1.   Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

A   Pagtataguyod ng Pananagutan

B.   Kabutihang Panlahat

C.    Pagkakaisa

D.   Pag-unlad

_____2.   Matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian. Hindi man makalahok si Jaime sa malawakang rescue operation  dahil sa kaniyang  murang edad, tinawagan niya ang kaniyang mga kaibigan at kakilala  upang makapag abot  ng pagkain at mga gamit na maaaring makatulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Jaime?

A.   Pagsuporta

B.   Sama-samang Pagkilos

C.    Konsultasyon

D.   Impormasyon

_____3.   Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng pakikilahok ?

A.   Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso at hindi minsanan lamang.

B.   Sa pamamagitan ng pakikilahok ang tao ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa kaniyang sarili kundi sa kaniyang kapwa.

C.    Nagkakaroon ng kaganapan ang pagkatao ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pakikilahok.

D.   Ang pakikilahok ay isang mahusay na pampalipas oras at ginagawa upang makamit ang pansariling layunin.

_____4.   Sa panahon ng pandemya ilan sa mga kabataan ang nagboluntaryo na tumulong sa pamumudmod ng facemask, face shield, alcohol at disinfectant sa mga ospital para sa mga frontliners. Alin sa mahalagang salik ng pakikilahok at bolunterismo ang ipinagkaloob ng mga kabataan sa sitwasyon?

A.   Panahon                                                 B.   Talento

C.    Kayamanan                                           D.   Talino

_____5.   Ito ay taglay ng tao kaya siya nagiging karapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa.

A.   Pananagutan                                          B.   Pakikilahok

C.    Bolunterismo                                         D.   Dignidad

_____6.   Ano ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

A.   Kayamanan, talino at malasakit                B.   Talento, pagmamahal at pagkakaisa

C.    Panahon, talento at kayamanan                D.   Tiyaga, talino at sipag

_____7.   Nahirapan ang kapitbahay mong si Marissa sa pagpapatala sa paaralan  dahil wala silang koneksyon ng internet kung kayat matiyaga mong inisa-isa ang proseso  ng pag-enrol . Anong antas ng pakikilahok ang iyong ginawa?

A.   Pagbabahagi ng impormasyon             B.   Konsultasyon

C.    Sama-samang pagpapasiya               D.   Sama-samang pagkilos

_____8.   Ang ginawang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagsunod sa malawakang protocol nang ipatupad ang  ECQ sa buong bansa ay  nagppaakita ng

A.   Sama-samang pagkilos                                 B.   Pagsuporta

C.    Pagkalap ng impormasyon             D.   Sama-samang pagpapasiya

_____9.   Ayon kay Dr Manuel Dy Jr., mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito?

A.   Ang tao ay may pananagutan na magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

B.   Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik.

C.    Mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan

D.   Ang tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo ay makikita sa lipunan.

_____10. Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao. Ang pahayag na ito ay

A.   Tama . Dahil tunay na nagkakaroon ng saysay ang buhay ng tao kung ito ay ginagamit ng makabuluhan tuwing siya ay makikibahagi ng sarili sa kaniyang lipunan.

B.   Mali . Dahil nabubuhay ang tao para sa sarili lamang.

B.    Tama . Dahil ang lipunan ang bumubuo sa tao at ang tao naman ang bumubuo sa lipunan.

D.   Mali . Dahil walang panangutan ang tao na makibahagi sa lipunan.

 ​


Sagot :

Pakikilahok at Bolunterismo

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan. Ang sinumang gagawa nito ay dapat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay nagbibigay sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan. Ang bolunterismo ay paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.

Mga Sagot:

  1. B.
  2. D.
  3. D.
  4. A.
  5. D.
  6. C.
  7. D.
  8. A.
  9. A.
  10. A.

Mga Dapat Tandaan:

  • Ang kabutihang panlahat ay makakamit ng lipunan kung ang bawat isa ay nakikiisa sa pakikilahok at bolunterismo.  
  • Ang pagsuporta ay antas ng pakikilahok na maaaring pinansyal, moral, o pagbibigay ng buong husay at talento na mula sa puso.
  • Ang sama - samang pagkilos ay antas ng pakikilahok na pagtutulungan sa mga gawain.
  • Ang konsultasyon ay antas ng pakikilahok na nagpapakita ng pakikinig sa opinyon o suhestiyon ng iba.
  • Ang impormasyon ay antas ng pakikilahok na nagsasabing mahalaga ang magbahagi ng nalalaman.

Ano ang pakikilahok: https://brainly.ph/question/78382

Ano ang bolunterismo: https://brainly.ph/question/452510

#BrainlyEveryday