Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.
Ang impromptu debate ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.
Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.