Ang paraan ng pamumuhay sa Singapore
ay medyo maunlad kumpara sa ibang bansa sapagkat may suportang natatanggap ang
mga tao sa gobyerno dahil na rin maunlad ang kanilang ekonomiya. Aktibo sa
larangan ng industriya at elektroniko ang bansa kaya naman hindi nahuhuli sa
mga makabagong teknolohiya ang bansa na malaking tulong sa pagpapagaan ng pang
araw-araw na pamumuhay ng mga tao roon. Isa pa, halos lahat ng tao sa bansa ay
nakapag aral dahil sa paniniwalang ang edukasyon ang susi sa kaunlaran. Kaya naman
ang mga tao roon ay may maayos at magagandang trabaho na siyang nagbibigay
sustento sa kanilang pamumuhay. Maganda rin ang pamamalakad ng gobyerno kaya napapanatili
ang katahimikan at kaayusan sa buong bansa.