Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
"Pananakop ng mga Kanluranin"
Mga kanluranin, bakit baga kayo naparito?
Bakit niyo nilingkis ang kalayaang natamo
Ng libu-libong mamamayang Asyano
Na ang tanging hangad ay kalayaang sinasamo?
Ano baga ang inyong hangarin?
Ano baga ang nais niyo sa inyong piging?
Hindi pa ba sapat ang kayamanang nasa piling?
Ni hindi ba nasiyahan sa hawak-hawak na kusing?
Hindi niyo nalalaman at kailanma'y hindi malilirip
Ang panaghoy ng Asyanong masama ang panaginip
Ang damdaming pawang kalungkuta't hinagpis
Dahil sa pananakop na wari'y bagwis.
Natapos man ang pananakop ay kailanma'y di-mapaparam
Ang kasaysayan ng kalungkutang inuyam
Hindi sana ganito kung hindi pinaram
Ang kalayaang masayang inaasam.
Explanation: