IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik Na Nakakaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnanng Kilos at Pasiya:
Mga Sagot:
Kilos:
Ang kilos ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay natural sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos – loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
Halimbawa:
biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at marami pang iba.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos:
kamangmangan
karahasan
gawi
masidhing damdamin
takot
Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
Dalawang Uri:
hindi nadaraig
nadaraig
Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay ang kamangmangan dulot ng kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o di kaya ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa pamamagitan ng iba.
Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain ngunit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.
Ang karahasan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kalooban.
Ang gawi ay tumutukoy sa mga gawain na paulit – ulit ginagawa at naging bahagi na ng sistema ng pangaraw – araw na buhay.
Ang masidhing damdamin ay tumutukoy sa mga dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay, damdamin, o kilos.
Ang takot ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.
Mga Salik ng Makataong Kilos: brainly.ph/question/881058
Panloob at Panlabas na Kilos – loob:
Hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos sapagkat kapag masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos kahit mabuti pa ang ipakita sa panlabas. Mababalewala ang isa kung hindi kasama ang isa kung kaya kailangan na kapwa mabuti ang kilos panloob at panlabas.
Iba’t – Ibang Sirkumstansiya:
sino
ano
saan
paano
kalian
Ang sino ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
Ang ano ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito labigat o kalaki.
Ang saan ay tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos.
Ang paano ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
Ang kailan ay tumutukoy sa kung kailan isinagawa ang kilos.
Halimbawa:
Si Bonnie ay nagtungo sa bahay ng kanyang lola Amanda. Natuklasan niya kung saan madalas magtago ng pera ang kanyang lola Amanda. Isang pagkakataon, pinuntahan niya ang bahay ni lola Amanda at kinuha ang pera nito sa taguan. Samantala, naubusan ng gamut si lola Amanda para sa kanyang hika. Kailangan niya ang kanyang pera upang makabili ng gamot ngunit wala na ito sa kanyang pinaglagyan.
Sino:
Bonnie at lola Amanda
Ano:
Dahil kinuha ni Bonnie ang perang itinago ni lola Amanda, hindi ito makabili ng gamot para sa kanyang hika tuloy ay nahihirapan siyang huminga.
Saan:
sa bahay ni lola Amanda
Paano:
nagpunta siya sa bahay ni lola Amanda at kinuha ang pera sa taguan nito
Kailan:
isang pagkakataon
Kahulugan ng Sirkumstansya: brainly.ph/question/2378242
Layunin:
Ang layunin ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos – loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong nagsasagawa ng kilos. Hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang nagsisilbing pinatutunguhan ng kilos. Sa pamamagitan nito, mahuhusgahan ang kilos kung ito ba ay mabuti o masama. Ang pamantayan ng mabuting layunin ay kung ang nagsasagawa ng kilos ba ay gumagalang sa dignidad ng kanyang kapwa.
Halimbawa:
Binigyan ni Sylvia ng baon ang kanyang kaklase na walang baon sapagkat naisip niyang kumopya ng sagot dito sa pagsusulit sa Filipino.
Layunin: Makakopya ng sagot sa pagsusulit sa Filipino.
Upang ang kilos ay maging mabuti, ito ay dapat na nakabatay sa ating pagpapasiya.
Explanation:
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.