Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

1. Ang pamilyang Pilipino ay tunay na napakahalaga. Anomang pagsubok ay
pinagtutulungan ito mabigyan ng solusyon. Sa oras ng kagipitan. pighati at kasayahan
tanging pamilya lamang ang nagpapatatag sa bawat miyembro nito. Ano mang
problema ang dumating ay kailangang mapanatiling matibay na sandalan ang bawat
isa upang malagpasan ang unos na pinagdaraanan. Sa panahong ito mas lalong
nasubok ang katatagan ng isang pamilya Kapit-bisig at sama-samang nakikibaka sa
paglaban sa pandemya. Tunay nga na ang pamilya ang pinakamatatag na bahagi ng
komunidad, Ito ay biyaya na galing sa Diyos na dapat ingatan at lalong pagtibayin ang
pagmamahalan upang higit na madali ang landas na tatahakin ng bawat miyembro
nito. Ang angkop na pamagat ay? _____

2. Isa sa mga hinahangaan sa mga Pilipino ay ang malugod at magiliw na pagtanggap
ng bisita. Sa tuwing may darating na panauhin ang buong pamilya ay tulong tulong at
abala sa paglilinis, pagluluto at paghahanda para dito. Tanging mga Pilipino lang ang
may bukod tanging kaugalian na namana pa sa ating mga ninuno. Pagmamahal sa
bisita at pagpapakita ng katuwaan ang masarap maranasan lalo na sa mga lalawigan
na ating kinagisnan.Ang angkop na pamagat ay? _____

3. Ang kawayan ay isa sa mga itinuturing na pinakamataas at pinakamatatag na puno.
Kaya niyang sumabay sa anumang direksyon ng hangin na animo'y sumasayaw
lamang sa saliw ng musika. Malaki ang nagagawang tulong ng punong ito lalo na sa
paggawa ng bahay sa mga lalawigan. Ginagawa din itong palamuti sa bahay, lagayan
ng halaman, baso, at ang labong nito ay niluluto at ginagawang ulam. Tunay nga na
ang kawayan ay isang kapaki-pakinabang na halaman. Ang angkop na pamagat ay? _____

4. Napakahalaga ng pagkain ng mga masustansyang pagkain lalo ngayong may
pinagdadaanan tayong pandemnya. Ang mga gulay at prutas ay nakakapag-palakas sa
ating katawan at nagpapalakas sa ating risistensya upang labanan ang anumang sakit.
Tuwing buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Nutrisyon na kung
saan pinapakita dito ang kahalagahan ng pagkain ng gulay lalong lalo na sa mga bata
na katulad mo. Anumang uri ng gulay ay may taglay na bitamina na kailangan ng ating
katawan.Ang angkop na pamagat ay? _____

5. Ang malunggay (Moringa oleifera) ay itinuturing na isang "miracle plant" dahil sa
taglay nitomg sustansiya at bitamina. Ito ay ay nakakatulong upang mapaganda ang
ating balat at sa paglago ng ating mga buhok. Pinapangalagaan din nito ang ating mga
atay, panlaban din ito sa cancer, at nakakatulong upang mas lumakas ang ating mga
buto. Madaling itanim ang malunggay dahil nabubuhay ito sa anumang uri ng lupa
kung kaya't kailangan ang bawat tahanan ay may tanim nito sa bakuran upang mas
madaling makakuha ng gulay na ito. Ang angkop na pamagat ay? _____


Sagot :

Answer:

alin po ba Ang tanong jan diko PO ma gets