IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
II. Panuto: Bigyang kahulugan ang imaheng inilalarawan sa mga pahayag. Titik lamang ang isulat.
6. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi magdala ng pait at maso
rito araw-araw.
A. Napapagod at nagasasawa na sa paulit-ulit na kanyang ginagawa. B. Nangangarap siya ng buhay na perpekto, kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo kahit hindi na magtrabaho. C. Ayaw na niyang gamitin ang pait at maso sapagkat para sa kanya ang paggamit nito ay isang nakababagot na Gawain.
7. Basang-basa ang likod ni Jose nang dumating sa bahay, may gasgas ang kanyang mga tuhod at siya'y namumutla. May bakas ng kalmot ang kanyang pisngi. Maya-maya'y dala-dala ni Aling Maria ang anak na si Jessie putok ang noo nito.
A. Nagkarera si Jose at Jessie.
B. Naglaro ng tumbang-preso si Jose at Jessie.
C. Nag-away ang dalawang bata at kapwa sila nasaktan.
_8. Namimilog ang mga mata ni Kim sa tuwing ikinukwento niya ang pagtatagpo nila ni John. Panay ang lagay niya ng lip tint sa bibig maging sa pisngi. Ayon sa kanya kulang rosas ang paligid niya.
A. Si Kim ay mahilig maglagay ng lip tint na kulay rosas sa pisngi.
B. Si John ay may crush ky Kim.
C. Si Kim ay umiibig na at ang lalaking ito ay si John.
9.Maaliwalas ang paligid, kulang luntian ang lahat ng dako, ang halimuyak ng bulaklak ay naaamoy sa bawat pag-ihip ng hangin. Maririnig ko ang huni ng ibon na nag-aawitan at napaupo ako sa nag-iisang bangko sa ilalim ng puno. Ang nagsasalita ay nasa:
A. Hardin at halamana
B. Tabi ng ilog
C. Dalampasigan
10. Nakita ko ang isang babaeng mahigpit na niyayakap ang asawa kasama ang dalawang anak nitong nag iyak, sa dulo ay pila ng dalawang babaeng nagkakandakuba sa dalang kagamitan, hila ng isang lalaki ang may-edad na ang di-gulong na malita at pinupog ng halik ang nakasalubong na asawa. Di magkamayaw ang batian ng dumating at pamamaalam ng magsisipag-alisan na sing ingay ng eroplanong kalapag pa lamang.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.