Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

1. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahon ng Komonwelt na naranasan ng mga Pilipino sa larangan ng pulitika? *
A. Pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ng mga pinuno.
B. Pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan
C. Pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan.
D. Pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan

2. Naitatag ang Surian ng Wikang pambansa noong Nobyembre 13, 1936 sa pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa Pambansang Wika. Dahil dito, itinuring na “ Ama ng Wikang pambansa” si_____________ at nagdiriwang tayo ng Araw ng Wika tuwing Agosto( Ngayon ay Buwan ng Wika). *
A. Manuel L. Quezon
B. Ramon Magsaysay
C. Elpidio Quirino
D. Sergio Osmena

3. Ano ang ibang katawagan sa Komonwelt? *
A. Batas Jones
B. Malasariling Pamahalaan
C. Batas Cooper
D. Batas Tydings Mc Duffie

4.Alin sa sumusunod ang batas na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt? *
A. Batas Jones
B. Batas Cooper
C. Batas Tydings Mc Duffie
D. Batas Hare-Hawes Cutting

5. Sino ang nahalal na Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
Manuel L. Quezon
Claro M. Recto
Manuel Roxas
Sergio Osmena​