Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

sino sino ang nasa pilipinisasyon


Sagot :

Answer:

Ang nagpatupad ng Pilipinisasyon ay si Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison.

Explanation:

Ang nagpatupad ng Pilipinisasyon ay si Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison.

Isinakatuparan ni Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano. Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.

Ang patakarang Pilipinisasyon ay ang polisiya ng mananakop na Estados Unidos kung saan unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikano sa mga posisyon sa Pamahalaang Kolonyal ng mga Amerikano dito sa Pilipinas.

Noong 1914, umiiral sa pamahalaan ng Pilipinas ang tinatawag na Kagawaran o Departamento ng Mindanao at Sulu. Noong panahong iyon, sa pananaw ng mga Pilipinong Moro (Pilipinong Muslim), isang panganib para sa kanilang katayuan sa politika ang mabilisang Pilipinisasyon ng serbisyong sibil at ang pagkakaroon ng sasapit na kalayaan ng Pilipinas, dahil sa ang pamahalaan ng isang malayang Pilipinas ay mapapangingibabawan ng mga Kristiyano.

Basahin sa link na ito ang mga mahahalaga pang impormasyon sa polisiya na Pilipinisasyon - brainly.ph/question/489697

Hope it helped!

#CarryOnLearning