Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
1. ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK ARALIN 10 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2. LAYUNIN NG TALAKAYAN: •Maisa-isa ang mga gabay sa etika sa pananaliksik •Maunawaan ang ibig sabihin ng plagiarism •Matukoy ang mga responsibilidad ng mananaliksik
3. DALOY NG TALAKAYAN: MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK PLAGIARISM AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
4. ETIKAL NA PANANALIKSIK - Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon sa diksyonaryong Merriam Webster (2014). Nagmula ang salita sa Middle English na ethik, mula sa griyegong ethike, na galing naman sa katagang ethiko. - Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapuwa. - Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at paguugali batay sa mga katanggap tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
5. ETIKAL NA PANANALIKSIK • Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan
Explanation:
mas mabuti pong isearch nyo na lang :>
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.