Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Gawain 3: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.

1. Ang mga sumusunod ay ang naging suliranin ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, MALIBAN sa isa Alin ito?
A. Pagkasira na malaking bahagi ng Maynila at mga karatig lalawigan
B. Kawalan ng kapayapaan dulot ng pakikipaglaban ng mga Huk
C. Pagkakaroon ng colonial mentality ng mga Pilipino
D. Mababang moralidad ng lipunan

2. Bakit kinakailangang mabilis na tugunan ng pamahalaan ang suliraning pangkapayapaan ng
bansa? Ito ay upang...
A. maisagawa kaagad ang mga programang pangkabuhayan.
B. maibigay ang mga tulong na ipinangako ng Amerika
C magkaroon ng kapanatagan ang namumuno
D. mabawasan ang problema ng pangulo.

3. Bakit kinakailangang isaayos o gawing moderno ng bawat pangulo ang mga tulay, kalsada at iba
pang imprastraktura ng bansa? Ginagawa ito upang..
A. maging mabilis ang pagdadala ng mga produkto sa ibat-ibang panig ng bansa.
B. hindi masabi ng ibang bansa na mahirap ang Pilipinas.
c. ang mga dayuhan ay pumunta sa ating bansa.
D. marami tayong maging kaibigang bansa.

4. Paano hinarap ng mga naging pangulo ang mga suliranin sa panahon ng panunungkulan?
A Humingi ng payo sa mga pangulo ng ibang bansa
B. Pinalakas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas,
C Naglunsad ng mga programa ang pamahalaan
D. Nakipagtulungan sa ibang bansa

5. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat unahin at bigyang pansin ng pamahalaan sa
kasalukuyan?
A Pagtaas ng presyo ng bilhin kalusugan ng mamamayan
B. Kapayapaan ng bansa
C. Kalusugan ng mamamayan
D. Turismo ng bansa​