Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Ang representatibo ay isa sa dalawang gamit ng wika. Ito ay ang paggamit ng wika upang makapagbigay ng impormasyon o datos sa tao. Sa pagbibigay mg impormasyon ay mayroong nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan tulad ng pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagpapahatid ng mensahe, paglalahad at iba pa.
Ito ay iba sa isa pang gamit ng wika na tinatawag namang heuristiko. Ito naman ang pangangalap ng datos upang matuto at madagdagan ang kaalaman. Kabilang dito ang pagtatanong, pagsasagot at pagkatuto.