Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
Isinulat ng isa sa mga pinakadinadakilang manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas na si Francisco ‘Baltazar’ Balagtas ang awit na Florante at Laura. Isinulat ito ni Balagtas noong 1838 o nang siya ay edad 50 na.
Ayon din sa mga eksperto ng kasaysayan, ang Florante at Laura ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas. Siya raw si Florante habang si Laura naman ay ang sinisinta niyang si Maria Asuncion Rivera.
Hindi naman nakatuluyan ni Balagtas si Asuncion at nakasal ang dalaga sa isang Mariano Capule na naging si Adolfo sa pamosong awit ni Balagtas. Ang masukal na kagubatan na kinaroroonan ni Florante ay hango naman sa gubat ng Quezonaria.
Hindi rin Florante at Laura ang tunay na pamagat ng akdang ito Balagtas. Ito ay mayroong buong pamagat na “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.”
Explanation: <3