Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ang likas na batas moral ay kusang bumubukal sa taong tulad mo
(tama o mali)​


Sagot :

Answer:

TAMA

Explanation:

Ang Likas na Batas Moral ay kusang bumubukal sa tao na hindi na nangangailangan ng pormal na edukasyon o pag-aaral upang malaman ang mga nakasaad dito. Ang tao ay biniyayaan ng kalayaan na magagamit upang maging mapanagutan sa kaniyang kilos. Ang kalayaan ng tao ay isa sa mga dahilan kung bakit siya ay nagtataglay ng Likas na Batas Moral. Tanging ang mga pinagkalooban ng kalayaan, ang sakop ng Likas na Batas Moral. Ang apat na uri ng batas kung ating titingnan ay ang mga gumagabay sa buong sansinukob. Ito ang naglalagay sa lahat ng bagay sa kaayusan. Kung marapatin ng tao na susundin ang mga ito, ang buong sangkatauhan ay magka-karoon ng tunay na kapayapaan na siya ring pinakalayunin ng lahat ng batas. Sa kabilang banda, ang karaniwang depinasyon naman ng batas sa pananaw ng lipunan ay ang mga nakasulat na patakaran na ipinatutupad ng mga nasa awtoridad na may layunin na mapanatili ang kaayusan sa lipunan. Ito ay ginawa ng mga taong may kapangyarihan na naglalayong magkaroon ng seguridad ang bawat mamamayan at mapanatili ang katahimikan ng lipunan. Isa pa sa mga layunin ng batas ay ang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan at makapagbigay ng tamang serbisyo. Sa Pilipinas, nakabatay sa 1987 Philippine Constitution ang mga batas na ipinatutupad ng ating pamahalaan sa kasalukuyan. Ito ang saligan ng mga Pilipino upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan. Mayroon ding mga International Laws na sumasakop sa mga bansa upang pangalagaan ang seguri-dad ng mga kasapi nito. Kung ang batas na gawa ng tao ay may layunin na mapabuti at mabigyan ng tamang serbisyo ang mga nasasakupan nito, lalo’t higit ang Likas na Batas Moral na taglay ng tao simula pa ng siya ay likhain.