Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
1. Judaism Ang Judaism ang kauna-unahang monoteismong relihiyon sa mundo. Nagmula ang salitang monoteismo sa Greek na mono at theos na nangangahulugang isa at paniniwala sa diyos. Ang mga Hudyo, taguri sa mga tagasunod ng Judaism, ang mga unang tao na sumamba sa iisang diyos lamang. Si Abraham ang itinuturing na tagapagtatag ng Judaism. Ang simbolo ng Judaism ay tinatawag na Star of David. Ito rin ay sumasagisag sa bansang Israel kung saan nagmula ang nasabing relihiyon. Mayroong mahigit na 13 milyon ang tagasunod ng Judaism.
2. Judaism Nagsimula ang relihiyong Judaism nang makipagkasundo si Abraham at ang mga Hebreo sa Diyos na tinawag nilang Yahweh. Tinalikdan ng mga Hebreo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan at tinanggap si Yahweh bilang nag-iisang diyos na lumikha ng lahat ng bagay sa mundo. Ang Judaismo ang isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses. Ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.