Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
1.Ang taong ito ang nagsisilbing tagapanguna ng isang samahan.Layunin niya na paunlarin ang bawat isa patungo sa pag-abot sa pangitain o pangarap. A.lider B.tagasunod C.tagasuporta D.tagapamayapa
2.Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa: A.Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat B.Pagkakaroon ng kritikal na pag – iisip C.Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag – ugnayan sa iba D.Pagiging tapat, maunawaain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa
3.Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno? A.Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat B.Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin C.Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon magagandang proyekto D.Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
4.Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ________________. A.Awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat B.Impluwensya na magpapakilos sa pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin C.Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat D.Posisyon na magbibigay na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan.
5.May ginagawa kayong proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao, ang iyong mga kagrupo na si Daisy at si Sandra ay nagkasamaan ng loob dahil hindi nagkakatugma ang gusto nilang gawin para sa inyong proyekto.Dahil sa sitwasyon hindi na nagkakaroon ng maayos na output ang inyong pangkat, bilang isang kasama sa pangkat ano ang maari mong gawin upang magkasundo ang iyong mga kaklase. A.Kausapin sila at paghiwalayin na lang sila ng pangkat. B.Huwag nalang silang intindihin at gumawa ka nalang ng sarili mong proyekto C.Hayaan na lang silang mag away ng mag away at bahala na lang kung ano ang kalabasan ng inyong proyekto. D.Bigyan ng sapat na panahon na kausapin ang bawat isa, pakinggan ang kanilang mga panig at pagkasunduin sila.
6.Si Jaymielyn ay nahirang bilang bagong gurong tagapayo ang EsP Club. Dahil sa bagong pamamahala, siya ay nagdadalawang isip na baka hindi siya suportahan ng mga mag-aaral. Subalit, makalipas ang ilang araw, ay natutunan din niyang makihalubilo at makisama sa mga ito. A. Kakayahang pamahalaan ang sarili B. Kakayahang makibagay sa sitwasyon C. Kakayahang makibagay sa personalidad D.Wala sa nabanggit 7.Nagmula si Jona sa pribadong paaralan. Dahil lumipat sila ng tirahan, napilitan siyang lumipat sa pampublikong paaralan. Sa simula, nahirapan siyang makiangkop sa mga pangkatang gawain. Habang tumatagal ay natutunan na rin niyang tanggapin ang mga pagbabago sa kanyang kapaligiran. A. Kakayahang pamahalaan ang sarili B. Kakayahang makibagay sa sitwasyon C. Kakayahang makibagay sa personalidad D.Wala sa nabanggit 8.Alin ang HINDI nagpapakita ng pagiging isang mabuting lider? A. pagpipilit ng pansariling layunin B. pakikinig sa mga hinaing ng mga kasama C. pagbabahagi ng pangarap ng samahan D.pangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi
9.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasanayan o skills ng ulirang tagasunod ayon kay Kelly(1992)? A. job skills B.organizational C. communication D.values component 10.Masipag ang iyong kaklaseng si Rita. Madalas na siya ang nahahalal na lider ng pangkat dahil siya ang gumagawa ng lahat ng kailangang gawin ng pangkat. Hindi na siya nagbibigay ng gawain sa kaniyang mga kasama dahil mas madali niyang natatapos ang gawaing iniatang sa pangkat nila kung siya mag – isa ang gagawa. Hindi ka sang – ayon sa ganitong paraan pero karamihan ng iyong mga kasama sa pangkat ay lubos na natutuwa. Sa paanong paraan mo maipaliliwanag sa iyong mga kasama na dapat sila ay gumagawa din ng kanilang mg gawain dahil sila naman ay grupo. A.Lumipat na lang ng ibang kagrupo. B.Isumbong sa guro ang mga ginagawa ng kaniyang mga kagrupo. C.Hayaan na lamang din na si Rita nalang ang gumawa ng kanilang mga proyekto. D.Kausapin si Rita at ang ibang kagrupo na dapat ay magtulong tulong sila sa pag gawa ng proyekto ng sa gayon ay mas maganda ang kalabasan nito.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.