Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

tanong
Si Letlet at ang Diwata
ni: Marlene D. Baldrias
Sa bayan ng Busilak ay may isang matandang babaeng palaboy. Mahina ang
katawan nito at umuubu - ubo pa. Sa kanyang paglalakad ay napadako siya sa
isang kubo. Kumatok ang matanda at sinabing "Maaari bang sumilong apo.
Napakalakas ng ulan dito sa labas." Pagkarinig ni Letlet sa pakiusap ng matanda
ay kaagad niya itong pinagbuksan. Kilala si Letlet sa kanilang lugar sa
pagkakaroon niya ng napakagandang katangian: ang pagmamalasakit sa kapuwa.
Pinapasok niya ang matanda at pinaupo. Binigyan pa niya ng mainit na sabaw na
mahihigop ang matanda.
Labis na natuwa ang matandang babae kay Letlet. "Maraming salamat sa
iyong kabutihan". Tunay ngang may malasakit ka sa kapuwa. Pagkasabi nito'y
biglang naglaho ang matandang babae at naging isang magandang diwata. "Dahil
sa mabuti kang bata ay pagkakalooban kita nito." Nanlaki ang mga mata ni Letlet
sa kanyang nakita. "Ginto!" Tanggapin mo ang mga gintong ito bilang sukli sa
iyong busilak na kalooban.
1. Saan nakatira si Letlet?
2. Anong ugali ang ipinakita ni Letlet? Paano niya ipinakita ito?
3. Dapat ba tayong magmalasakit sa kapuwa? Bakit?
4. Kung ikaw si Letlet, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Ipaliwanag mo
ang iyong sagot.
5. Anong aral ang napulot mo sa kuwento?​


Sagot :

Answer:

1. Si letlet ay nakatira sa bayan ng busilak

2.Ang ugaling kanyang ipinakita ay kabutihan, ipinakita niya ito sa pamamagitan nga pagpapatuloy sa matandang babae at pag bibigay ng mainit na sabaw

3.Oo dapat tayong magmalasakit sa kapwa dahil ito ay nararapat

4.Oo gagawin ko rin ang kanyang ginawa

5.Ang na pulot ko sa kuwento ay, ang pagiging mapagbigay ang mayroong magandang biyayang kapalit na nag mula sa poong maykapal

Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.