IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

A. Talasalitaan:Buuin ang mga salita sa bawat bilang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.Punan ng angkop na mga letra ang mga patlang.

1. Nagkakaroon ng (d_n_ng ) ang mga tao dahil sa kanyang natutuhan at nararanasan
2.Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga sa isang tao,kundi ang kabutihang ( t_gl_y ) niya.
3.Tuwing piyesta, binubuksan ang pinto ng bawat tahanan para (m_k_sa_o)ang lahat.
4.Kapag nabiyayaan ka ng buhay na (mas_g_ _a),dapat kang magbahagi sa iba.
5..Tahimik ang buhay sa buong (pa_ay_ _ an) dahil nagtutulungan ang lahat.


B. Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata.

6.Mahirap ang magulang ni Lorenzo Torres. Hindi siya naka pag-aral. Maaga siyang naulila . Siya ang nagpalaki at nag aruga sa kanyang mga kapatid.Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at sumulat.Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito.Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan.
A. Ang Ulila B. Sariling Pagsisikap
C. Ang Ulilang si Lorenzo D.Magulang ni Lorenzo Torres

7.Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito.Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay.Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin .
A. Ang Ifugao B. Taniman ng Ifugao
C. Kahanga-hangang Tanawin D. Ang Hagdan-Hagdang Palayan

8.Si Pablo Ruiz ay isinilang noong Oktubre 30, 1978. Isinilang siya sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila.Ang kanilang bahay ay sapat lamang sa kanilang mag-anak. Ang kaniyang ama na si Crisanto Ruiz ay isang sastre.Ang kaniyang ina na si Perlita Guzman ay isang karaniwang may bahay. Tunay na mula sa masa si Pablo Ruiz.
A. Si Pablo Ruiz B. Si Perlita Guzman
C. Mga magulang ni Pablo D. Trabaho ng mga magulang

9.Isinilang si Juan Domingo sa Sta Rosa ,Laguna noong Agosto 21, 1891. Mayaman ang kanyang ama. Malawak ang kaniyang taniman na palay at tubo. Buhat sa mariwasang angkan ang kanyang ina. Mataas ang pinag-aralan nito. Si Juan Domingo ay tunay na mula sa nakaririwasang angkan.
A. Ang mariwasang angkan B. Ang Pamilya ni Juan Domingo
C.Ang Pagkatao ni Juan Domingo D.Kapanganakan ni Juan Domigo

10.Panganay si Felipe Manuel sa anim na magkakapatid. Maaga silang naulilang magkakapatid. Gumawa siya ng paraan upang buhayin ang mga nakababatang kapatid. Gumawa at nagtinda sila ng abnikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang isang mensahero sa isang kompanya. Naging ahente din siya sa iba pang kompanya.
A. Ang mensahero B. Ang batang si Felipe
C.Ang masipag na si felipe D. Ang buhay ni Felipe Manuel

11.Si Mang Kardo ay dating manggagawa sa aming tanggapan. Siya ay mabuting makisama, magalang,at higit sa lahat lubhang masunurin. Dahil sa kanyang kabutihang loob napamahal siya sa lahat,kaya kahit ano na lamang ang iniaabot sa kanya ng mga emplyado. Nang nagretiro, siya ay binigyan ng parangal sa kanyang matapat na paglilingkod.
A. Ang Dating Manggagaw B. Ang paglilingkod.
C.Sa trabaho D. Ang empleyado.

12.Si Jun at Rey ay makaibigang tunay. Mula pagkabata, magkasama na sila kahit saan man pumunta. Sa oras ng kasiyahan maging sa kalungkutan ay palaging nagdadamayan. Anoman ang problemang dumating sa kanilang pagkakaibigan ay nilulutas nila ito na magkasama.
A. Si Jun B. Magkaibigang Tunay
B. Palaging nagdadamayan D. Pagkakaibigan

13/Ang aming tahanan ay maliit lamang. Gawa sa nipa ang bubong at sa kawayan naman ang sahig at dingding nito. Sinigurado naming magkakapatid na malinis at maayos ito araw-araw. May maliit na bakuran na tinatamnan namin ng mga gulay at halaman.
A. Ang pagtatanim B. Magkakapatid
B. Ang Aming Tahanan D. Ang Nipa

14.Siya ay isang taong handang magsakripisyo kahit na ang sarili’y pagod na at gusto nang magpahinga. Ngunit dahil sa sinumpaang tungkulin ay pinipilit na labanan ang puyat, hirap at pagod. Siya rin ay nagsisilbing pangalawang magulang na nagtuturo sa kabataan. Huwarang guro na pinagmulan ng lahat ng mga propesyonal. Kaya karapat-dapt lamang na ang mga guro ay ating mahalin at respetuhin.
A. Pangalawang magulang B. Ang propesyon
B. Tungkulin ng guro D. Ang Guro

15.Pinagtagpo at pinagsama-sama sa iisang klasrum ang magkaklase. Hindi man nagkakasundo sa unang araw ng pasukan ngunit sa paglipas ng panahon ay nagtuturingan nang kapamilya ang bawat isa. Tawanan, iyakan, tampuhan at asaran, lahat ng iyan ay pinagdaanan.Hanggang sa kailangan na maghiwalay dahil tapos na ang taong puno ng kasiyahan. Ngunit ang magandang samahan ay hindi kailan man mawawala sa kanilang mga isipan.
A. Ang Magkaklase B. Masaya sila
C. walang iwanan. D. Ang Paghihiwalay