IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang sanaysay ay may dalawang pangunahing uri.
Ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay.
Explanation:
PORMAL NA SANAYSAY
Ang pormal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at karaniwang isinusulat na may taglay na maiging pag-aaral o pananaliksik ng may akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat-ibang paksa maging: tao, hayop, bagay, okasyon o pangyayari. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at pormal din pormat nang pagkakasulat.
DI-PORMAL NA SANAYSAY
Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga paksa, personal na pananaw o mga sualt na naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay ay kadalasan may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa pagsulat.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
KATAWAN O GITNA – Dito naman naka lagay ang malaking bahagi ng sanaysay, dito maisasaad ang mga mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa. Dito nagpapahayag ng mensahe and tagapagsulat.
WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaring magsulat ng konclusion, buod ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maari ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!