Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

AP Grade 10
Saloobin tungkol sa Hamon Dulot ng Epekto ng Globalisasyon Week 7-8
Gawain sa Pagkatuto #5
Panuto: Sa loob ng inyong pamilya, paano mo mailalarawan/maipaliliwanag ang epekto ng globalisasyon.

Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa:
Iyong pag-aaral

Iyong pakikisama sa kapamilya

Pagtatrabaho ng iyong magulang

Pakikisalamuha sa kapwa-tao sa pa-mayanan​


Sagot :

Answer:

AP Grade 10

Saloobin tungkol sa Hamon Dulot ng Epekto ng Globalisasyon Week 7-8

Gawain sa Pagkatuto Blg. 5

By: @Rougue Takoshiba

Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa Iyong pag-aaral:

Dulot ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng impormasyon, mas maraming dapat matutunan sa aking pag-aaral na maaaring makatulong sa akin upang magkaroon ng magandang hanapbuhay kapag nakapagtapos ng pag-aaral. Nakatutulong din ang teknolohiya bunsod ng globalisasyon sa aking pag-aaral lalo na ngayong social-distanced learning. Naipapagtuloy pa rin ang mga gawain sa kabila ng pandemya. Magandang epekto ng globalisasyon sa tulad kong mag-aaral na maaaring gamitin ang mga impormasyong aking natutunan upang makagawa din ng impormasyon o produkto na makatutulong sa bawat parte ng daigdig.

Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa Iyong pakikisama sa kapamilya:

Ang aming pamilya ay mahilig at magaling magpatakbo ng negosyo dahil sila'y may kasanayan at kaalamang nakuha mula sa ibang bansa kung kaya ay nabibigyan din nila ako ng ilang mga payo at gabay kung anong maaari kong gawin paglaki ko upang maging matagumpay. Kung minsan naman ay hindi magkaunawaan dahil tulad kong kabataang may kaalaman sa teknolohiya ay kailangang turuuan ang aking ina o lola na maaari din nila itong magamit sa kanilang pangaraw-araw na gawain. Ang ilan ko namang kaanak mula sa malayo ay aking nakakamusta kahit papaano sa tulong ng epekto ng globalisasyon.

Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa Pagtatrabaho ng iyong magulang:

Ang aking magulang ay nakahanap ng magandang trabaho kung saan ay sakto ang kanilang kinikita para mga gastusin sa bahay at sa aking pag-aaral. Sila'y nakapag-ipon at ginamit ito upang makapagtayo ng negosyo upang magkaroon ng bago at permanenteng pagkakakitaan kung sakali mang magretiro o mawalan sila ng trabaho. Malaking tulong ang aming kaanak sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Nakapagbibigay ng mga pagkakataon na makahanap ng magandang trabaho ang globalisasyon na malaking tulong sa amin.

Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa Pakikisalamuha sa kapwa-tao sa pamayanan:

Sa aking pakikisalamuha sa aking kapwa ay kung minsa'y nakapagbibigay ako sa kanila ng impormasyon o kaalaman na aking natutunan dulot din ng globalisasyon. Malaking epekto nito sa ekonomiya ng pamayanan na ang bawat isa ay nagkakaroon ng kaalaman. Dahil dito ay nagkakaroon ng pag-unlad ang bawat isa ngunit hindi maiiwasan ang kompetensya kung kaya ang ilan ay nagpag-iiwanan at nananatiling mahirap. Dahil sa iba't-ibang paniniwala at kultura na maaaring pagmulan ng hindi pagkakasundo at away.

Explanation:

sorry na kung mahaba. sana makatulong, that's my opinion. f ollo w me.