Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:Ang pagkain ng itlog ay isa sa natural na ginagawa ng maraming tao saan mang sulok ng mundo. Hindi lamang ito nakakapagbigay ng enerhiya pero masarap din ito. ang itlog ay kilala bilang powerhouse food dahil sa protina na taglay nito. Ang itlog ay maaari mong kainin sa umaga, tanghalian at maging gabihan. Wala itong taglay na sugar at carbohydrates at mababa rin ang calories nito. Maaari mo itong kainin ng magisa o ihalo sa iba pang putahe. Marami ang makukuhang benepisyo ng mga tao sa pagkain ng itlog kagaya na lamang ng pagpapanatili nito sa kalusugan ng iyong mga buto. Ang itlog ay may taglay na Vitamin D na siyang nakatutulong sa pagprotekta sa katawan laban sa sakit na osteoporosis. Ito rin ay mayroong kakayahan na magbigay ng enerhiya. Sa katunayan, ang isang itlog ay may 6grams na protina at mayroong 70 calories lamang. Ang protina ang siyang responsable sa pagbibigay ng enerhiya sa tao sa pangaraw araw kaya ang pagkain ng itlog ay parang pagkain mo na rin ng mga laman na mayaman sa protina. Ang dalawang piraso ng itlog kasabay ng kalahating cup ng oatmeal ay isang magandang low-calorie meal na nakakabusog. Bukod pa riyan, ito rin ay may magandang dulot para sa iyong atay. Ang itlog ay mayroong taglay na Choline na isang micronutrient na nakatutulong sa metabolism ng tao at sa paglilipat ng mga vitamins at minerals kasabay ng pagtulong sa pagtratrabaho ng atay. Nakatutulong din ito sa pagpapataas ng good cholesterol (HDL) sa katawan na siyang pumapalit sa mga bad cholesterol (LDL). Ang kolesterol na taglay ng itlog ay walang epekto sa antas ng blood cholesterol ng tao. Nakatutulong din ito sa pagproprotekta ng iyong paningin sa tulong ng antioxidants na taglay nito kagaya na lamang ng lutein at zeaxanthin na matatagpuan sa pula ng itlog. Makakatulong din ang itlog sa pagbabawas ng iyong kinakain. Ang pagkain nito sa umaga ay magbibigay ng pakiramdam na kabusugan sa buong maghapon. Sila rin ay kilala na gluten at carb free. Kaya maganda ang itlog sa mga taong nagdidiet at gustong magkaroon ng sapat na protina. Ang pagkain ng itlog ay nakatutulong din upang hindi magkaroon ng kanser. Ang Cholin ay may kakayahan na bawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng breast cancer ayon sa Women’s Health. Ang pagkonsumo nito ay maganda rin para sa iyong kalamnan. Ito ang madalas na kinakain ng mga weightlifters dahil ang protina ay nakakatulong sa pagbuo ng muscles. Bukod pa riyan, ang itlog din ay maganda para sa mga buntis. Nakakatulong ang Choline sa brain development ng fetus at nakakatulong sa ilang problema sa panganganak. Ang itlog ay epektibo rin para sa mga taong gustong magkaroon ng magandang buhok at balat. Ito ay mag taglay na Vitamin B-complex na kilala bilang biotin. Ito ay may kakayahan sa pagbawas ng fats at carbs at nakakapagbigay ng sapat na enerhiya. Maganda rin ito para sa kalusugan ng iyong buhok, mga kuko at balat. Ang pagkain ng itlog ay talagang maganda para sa kalusugan ng kahit na sino. Ngunit ang lahat ng sobra ay hindi maganda kaya limitahan mo lamang ang iyong sarili sa pagkain nito sa pangaraw araw.
Explanation:
Answer:
●MAGANDA ANG ITLOG SA KATAWAN DAHIL ITO AY NAKAKAPAGPABILOG.
Explanation:
SANA NAKATULONG
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!