Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Sa henerasyon ngayon, laganap ang salitang “LGBT” sa mga usap-usapan at kontrobersiya. Ito ay pinag-uusapan sa social media, sa balita, at maging sa mga tao mismo sa paligid. Ang LGBT ay inisyal ng lesbiyan, b@kla, biseksuwal, at mga transgender.
Ito ay isang komunidad nila na kung saan pinapalaganap, pinapahalagahan, at pinaglalaban nila ang kanilang mga karapatan sa buhay.
Noong unang panahon, ang mga taong parte ng LGBT community ay ginagawang katatawanan lamang. Kung ikaw ay b@kla, wala kang ibang natatanggap kundi diskriminasyon at pang-aapi mula sa lipunan.
Ngunit ngayon, marami ng LGBT na winawagayway ang kanilang bandera at ipinagmamalaki kung sino sila.
Subalit, hindi pa rin mawawala ang diskriminasyon at panlalait na natatanggap nila sa lipunan, at lubos pa rin silang di katanggap-tanggap ng mga ito.
Ang problema ay hindi ang mismong miyembro ng LGBT, kundi ang pagiging mapaghusga ng tao. Kailangan natin na mas tingnan ang mga aspekto at anggulo na sila ay tao lamang. Buksan natin ang ating mga mata, isipan, at puso at subukang unawain ang isa’t isa.
Ang pagiging isang LGBT ay hindi isang sakit na kailangan natin lubayan at hanapan ng lunas, sapagkat kailangan natin silang tanggapin, respetuhin, unawain, at mahalin tulad ng pagmamahal natin sa iba. Dahil kagaya mo, tao rin sila.

Ano ang paksa ng akdang iyo ng binasa?