IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Itinayo noong 1406 hanggang 1420, binubuo ang kalipunan ng 980 gusali at sumasakop sa lawak na 72 ektarya.[1] Ipinapakita ng kalipunan ng palasyo ang tradisyonal na arkitekturang pampalasyo ng Tsina,[2] na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng kultura at arkitektura sa Silangang Asya ay kung saan-saan pa. Idineklarang Pandaigdigang Pamanang Pook ang Forbidden City noong 1987,[2] at itinala ng UNESCO na naglalaman ng pinakamalaking koleksiyon ng napreserbang istrakturang kahoy sa buong daigdig.Mula 1925, nasa ilalim ng pamamahala ng Museo ng Palasyo ang Pinagbabawalang Lungsod, na may malawak na koleksiyon ng mga likhang-sining at artepakto na nanggaling sa koleksiyon ng imperyo sa ilalim ng dinastiyang Ming at Qing. Ilan sa mga dating koleksiyon ng museo ay makikita na sa Pambansang Museo ng Palasyo sa Taipei. Nagmula sa iisang institusyon ang parehong museo, ngunit nahati matapos ang Digmaang Sibil ng Tsina. Magmula noong 2012, halos 15 milyon ang bisita ng Pinagbabawalang Lungsod taun-taon, at nakatanggap ng higit sa 16 milyon bisita noong 2016[3] at 2017.[4]
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.