IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Migrasyon
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa upang manirahan maging ito man ay pansamantala o permanente.
Explanation:
Mga isyung kalakip ng migrasyon
Pagbabago ng Populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
Kaligtasan at Karapatang Pantao
Nagkakaroon ng epekto ang migrasyon sa kaligtasan at karapatang pantao tulad ng:
Pagsasakripisyo ng mga OFW
Pang-aabuso ng mga recruitment agency at illegal recruiter.
Nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate.
Pamilya at pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
Brain Drain
Kapag nakatapos sa pag-aaral sa iba’t-ibang larangan, karamihan ay mas pinipili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
Multiculturalism
Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Mga Maaaring Dahilan ng Migrasyon
Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay.
Paghahanap ng ligtas na tirahan.
Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants o mga taong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Nais na umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
Para sa karadgdagang kaalama tungkol sa migrasyon, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/38137
brainly.ph/question/433986
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!