IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Answer:
PRICE FLOOR AT PRICE CEILING
Ipinapatupad ang price floor at price ceiling ng pamahalaan upang makontrol ang presyo sa pamilihan sa mga pagkakataong ito ay nahaharap sa pagkabigo o market failure. Ngunit, magkaiba ang ginagawa ng mga ito.
PRICE CEILING
Ito ay ang pagpapairal sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser sa kaniyang produkto. Kaya mayroong ibang mga produkto na nilalagyan ng (SRP) Suggested Retail Price para maging abot kaya ang mga ito sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng krisis.
PRICE FLOOR
Ito ay tumutukoy sa pagpapairal ng pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Ito ay ipinagkakaloob bilang price support sa sektor ng agrikultura at nauugnay sa pagtatakda ng batas ukol sa minimum wage.