IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

alamat ng isla ng pitong makasalanan banghay​

Sagot :

Answer:

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Tuesday, October 8, 2019

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN (BANGHAY ARALIN)

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN

(BANGHAY ARALIN)

LAYUNIN

PAKSA

PAMAMARAAN

PAGTATAYA

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. nakakikilala sa mga tauhan at mga katangian nito sa alamat

b. naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa kwento

c. naisasadula ang buod ng alamat

a. Paksa: “Ang alamat ng isla

ng pitong makasalanan"

b. Sanggunian: Pluma book 7

pp. 168-171

c. Kagamitan: Kagamitang

panturo

d. Pagpapahalaga:

I. INTRODUKSYON

a. Paunang Gawain

· Panalangin

· Pagasusuri ng liban at hindi liban

b. Balik aral

Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral sa naging pakasa kahapon.

c. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng mga larawan at pagkatapos ay tatanungin niya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.

Mga gabay na tanong:

· Ano-ano ang napapansin ninyo sa mga larawan na nakadikit sa pisara?

· Nasubukan mo na bang sumuway sa iyong mga magulang?

· Paano mo sila sinuway?

· Ano ang nagging bunga ng iyong pagsuway?

· Ano kaya ang tawag sa isang taong suwail?

d. Sasabihin na ng guro ang magiging paksa nila sa araw na ito at ipapakita niya ang magiging layunin nila sa pagtatapos ng talakayan.Pagkatapos ay magbibigay siya ng tig-iisang kopya ng alamat sa mga mag-aaral at ipapabasa niya ito ng masinsinan sa loob ng limang minuto.

e. Pag-alis ng mga sagabal

· Estranghero – dayuhan

· Lulan - Tumapak, akyatin o pumasok sa isang barko, salipapaw, tren, o ibang uri ng sasakyan.

· Sumagwan – magpaandar ng Bangka na may sagwan

II. INTERAKSYON

Pagkatapos ng limang minutong pagbabasa ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na katanungan.

Mga gabay na tanong:

· Sinu-sinu ang mga tauhan sa alamat?

· Anong katangian mayroon ang mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat tao?

· Ano ang ikinatatakot ng ama dahil sa mga katangian ng mga dalaga?

· Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak na sasama sa mga binatang bago palang nila nakilala?

· Ano kaya ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng sakit sa kalooban ng kanilang ama?

III. INTEGRASYON

Mga gabay na tanong:

· Kung ikaw ay isa sa mga dalaga sasama ka din ba sa mga lalaking bago mo palang nakilala? ipaliwanag

· Sa tingin mo makatwiran kaya ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang anak? Bakit?

· Bakit kaya kailangan nating igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang?

IV. TAKDANG ARALIN\

Panuto: Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat at isulat ito sa isang buong papel.

Hahatiin ng guro ang klase sa apatna grupo

Panuto: Gumawa ng isang dula mula sa alamat ng isla ng pitong makasalanan at irepresenta ito sa harap ng klase.

PAMANTAYAN

10-8

7-5

4-0

BOSES

May sapat na lakas ng boses

kaya’t lubusang nauunawaan ang

sinasabi mula sa simula hanggang wakas.

Malakas-

lakas ang boses kaya’t

kaunti lamang ang nauunawaan ng mga tagapakinig

Hindi malakas ang boses kaya’t

hindi lubusang nauunawaan ang sinasabi mula

sa simula hanggang wakas.

TINDIG

Angkop na angkop ang mga kilos o galaw sa pagtatanghal.

May ilang mga kilos o galaw na di gaanong angkop sa pagtatanghal.

Kailangan pa ng pagsasanay sa mga kilos o galaw sa pagtatanghal.

BIGKAS O PAGSASALITA

Lubhang napakalinaw ng pagkakabigkas ng mga salita at napalutang ang mgadamdaming namamayani sa bawat bahagi ng pagtatanghal.

May kaunting kalinawan ng pagkakabigkas ng mga salita at napalutang ang mga damdaming namamayani sa bawat bahagi ng pagtatanghal.

Hindi malinaw ang pagbigkas ng

mga salita kaya’t hindi

napalutang ang damdamin ng linya.

KALIGIRAN NG DULA

Naipapakita ang kaligiran ng dula.

Hindi gaanong naipapakita ang kaligiran ng dula.

Maraming kulang na bahagi kaya’t hindi gaano maganda ang dula.

KABISAAN

May mataas na panghihikayat sa madla dahil sa maayos at malinaw na pagtatanghal.

May katamtamang reaksyon ng madla.

Di gaanong nahikayat ang mga manonood.

Mary Jane Dapapac at 4:46 AM

Share

No comments:

Post a Comment

Home

View web version

About Me

My photo

Mary Jane Dapapac

View my complete profile

Powered by Blogger.