IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Paalam sa Pagkabata
Ni Nazareno D. Bas
Narito ang buod ng kwentong “Paalam sa Pagkabata”. Mailalarawan ang buhay ni Celso sa buhay na walang pagbabago. Sapagkat paulit-ulit at madalas niyang madinig ang pagtatalo at pag-aaway ng kanyang mga magulang. Madalas din niyang madinig ang pag-iyak ng kanyang inang si Isidra mula sa kabilang silid. Ngunit hindi niya alam kung ano ang pinag-aawayan ng kanyang mga magulang.
Masasabi mong si Celso ay isang batang mainipin. Ngunit isa sa kanyang mga pangarap ay magkaroon ng kapatid sapagkat siya ay madalas lamang na nag-iisa kung kaya gusto niyang magkaroon ng makakasama.
Noon ang nakasampay na lambat sa kanilang sampayan ay hindi niya pinapansin. Kanyang natatandaan dalawang taon na ang nagdaan ng itapon ng kanyang ina ang lambat na ikinagalit ng husto ng kanyang ama kung kaya ibinalik muli ito ng kanyang ina.
Nang mga oras na iyon naririnig muli ng batang si Celso ang pag -aaway muli ng kanyang mga magulang. Ipinaliwanag ng kanyang ina si Isidra na wala siyang kasalanan, na dapat ay kanilang kalimutan ang mga pangyayari noon na hindi niya sinasadya na siya ay nagkamali. Ang asawa lamang na si Tomas ang kanyang mahal.
Mamula nga noon hindi na itinapon ni Isidra ang lambat. Kahit luma na ito, sa paningin ni Isidra ito ay buong buo pa din. Gustong gustong tanungin ni Celso ang kanyang ina kung bakit sobrang mahalaga dito ang lambat. Ngunit ito ay naputol dahil sa kadahilanang kailangan na nilang umalis sapagkat ang kanyang ama ay darating mula sa pangingisda.
Nagpunta si Celso sa dalampasigan kung saan ang hintayan sa mga parating na mangingisda.
Si Celso ay napalingon ng siyang makarinig na nag-gigitara mula sa bahay-pawid. Ito ay naggigitara at umaawit ng Isang awit tungkol sa kasawian sa pag-ibig.
Si Celso ay hindi nakatiis, siya ay lumapit at pumunta sa bahay-pawid. Kahit pa mahigpit na ipinagbilin nhg kanyang amang si Tomas na siya ay bawal pumunta doon. Hindi namalayan ng batang si Celso na siya nakalapit na sa naggigitara. Lumuluhang lumapit ito sa kanya, sa takot niya ay patakbo na siyang aalis ngunit nahawakan ng lalaki ang kanyang kamay.
Mahigpit na niyakap ng lalaki si Celso, sa takoy ay umiiyak si Celso pinahid ng lalaki ang luha niya at sinabi nito kay Celso na siya ay dalawin nito palagi.
Sa batang isipan ni Celso parang nakita na niya ang lalaking iyon.
Hindi namalayan ni Celso na nagdatingan na ang mga mangingisda kasama ang kanyang ama. Kung kaya nakita ni Tomas ang mga pangyayari. Nang lumapit si Celso sa kanyang ama siya ay sinampal nito. Dahil hindi daw siya siya nakikinig sa habilin nito sa kanya. Naguguluhan man si Celso kung bakit ayaw ng kanyang amang si Tomas na siya lumapit at pumunta sa bahay-pawid.
Umuwi ng bahay ang mag-ama. Nakita niyang muli ang kanyang inang si Isidra ay nakatingin na naman ito sa sampayan ng lambat. Ito ay luhaan na naman gabang nakatingin dito.
Biglang N\naalala ni Celso ang lalaki sa bahay pawid kung kaya siya ay lumapit sa salamin at siya ay nanalamin dito. Doon nakita niya ang mukha ng lalaki sa salamin. Kung kaya sa bugso ng emosyon kumuha ng itak ang batang si Celso. Kanyang pinagtataga ang lambat sa sampayan. Nabigla ang kanyang mga magulanmg sa kanyang pinaggagawa. Nagalit si Tomas kay Celso ngunit ang batang si Celso ay puno ng emosyon ng mga sandaling iyon kung kaya kanyang nilabanan ang nag-aapoy na mata ng kanyang amang si Tomas. Sa galit ni Tomas kay Celso sInuntok at tinadyakan niya ang ito hanggang si Celso ay mawalan ng malay. Nang pagbalikan ng malay si Celso naramdaman niya ang yakap ng kanyang amang si Tomas, Ang mukha nito puno ng pagsisi at pang-unawa. Matagal na nIyakap ni Tomas ang batang si Celso.
I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/1862658
https://brainly.ph/question/1863814
https://brainly.ph/question/937169
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.