Dahil sa pagkahati-hati ng China sa spheres of Influence, nangamba ang United States sa posibilidad na isara ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito. Upang maiwasang maputol ang ugnayan ng United States sa China, iminungkahi ng Secretary of States ng United States ang pagpapatupad ng Open Door Policy kung saan magiging bukas ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito.
(Sphere of Influence - Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa isang bansa kung saan nangibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito).