IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ano ba ang kahulugan ang sinopsis

Sagot :

Answer:

SINOPSIS

  • Ito ay tinatawag ring isang buod ito ay isang uri ng lagom na kadalasang ginagamit sa iba’t ibang akda katulad ng;
  1. kwento
  2. salaysay
  3. nobela  
  4. dula
  5. parabola
  6. pabula
  7. talumapati  
  • Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na binubuo ng mga pangungusap.
  • Ito ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na mainitindihan.
  • Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda,mahalagang malaman ang sagot sa mgasumusunod na tanong:
  1. Ano?
  2. Kailan?
  3. Saan?
  4. Bakit?
  5. Paano?
  • Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung ang akdang binabasa na ginawan ng synopsis o buod sa pamamagitan ng paglalahad ng pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Dapat ding maiwasan ang pagbibigay ng iyong sariling pananaw o paliwanang tungkol sa akdang binasa.

Mga Kailangang Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis

  1. Gamitin ang ikatlong panauhan sa pagsulat.
  2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Isaalang-alang ang damdaming nakapaloob sa akda.
  3. Dapat mailahad dito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kinakaharap base sa akda.
  4. Kailangang gumamit ng angkop na mga pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lao na kung ang ginawan ng synopsis ay naglalaman ng marming talata.
  5. Siguraduhing wasto at tama ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
  6. Huwag kakalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Pinagkaiba ng lagom at synopsis: https://brainly.ph/question/1664910

#BetterWithBrainly