IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Paano nga ba masusukat ang Katalinuhan ng isang Tao?

Sagot :

For me, masusukat ang katalinuhan ng isang tao sa pamamagitan ng trivia na kung saan wala tumutulong sa kanya lalo na ang cellphone at tsaka sa pagsagot niya ay may mararamdam na pagmamahal. At kahit na tanungin mo siya, ito pa rin ay hindi niya malilimutan.
Paano nga ba masusukat ang katalinuhan ng isang tao?

Para sa akin, masusukat ang katalinuhan ng isang tao hindi lang sa kung ano ang mga nalalaman niya, hindi lang sa nagkakaroon siya ng matataas na grado at hindi lang dahil sa nagkakaroon siya ng honoraward. Masusukat mo ang katalinuhan ng isang tao sa pamamagitan ng kung paano niya isabuhay o isagawa ang kanyang mga ideya o katalinuhan. Kung matalino nga ang isang tao ngunit hindi naman niya ito ginagamit sa realidad, masasabi mo nga ba talagang matalino ang taong iyon? Siya nga ang nakakuha ng unang gantimpala sa kanyang paaralan ngunit pagdating sa bahay ng kanyang tita ay hindi niya alam ang simpleng pagkuha ng kanin, hindi niya alam kung paano hawakan ng mabuti ang kanyang mga kutsara at tinidor, hindi niya magawa-gawa ang tamang table manners. Oo, matalino siya sa larangan ng academics pero pagdating sa bahay ng tita niya, anong nangyari? Ang katalinuhan, ginagamit iyan ng isang tao hindi lang para maabot ang kanyang mga pangarap. Ginagamit iyan upang maging isang maganda at mabuting modelo sa mga susunod na henerasyon.