Madaming dahilan ang mga Kanluranin upang sakupin ang Asya. Sumakop sila ng mga bansa sa Asya dahil sa kolonyalismo at imperyalismo. Sinakop nila lahat ng bansa sa Asya, maliban na lang sa bansang Thailand, dahil gusto nilang lumawak ang kanilang kapangyarihan. Ginawa nila ito dahil sa kanilang Nasyonalismo sa kanilang sariling bansa. Mahal nila ang kanilang bansa kaya gusto nilang lumawak ang kanilang kapangyarihan at magkaroon ng likas na yaman. Masyadong masagana ang mga bansa sa Asya sa mga produkto, katulad ng mga pampalasa, at mga likas na yaman na maaari nilang pakinabangan. Dahil lang sa pagmamahal o dahil sa Nasyonalismo nila sa kanilang sariling bansa kaya sumakop sila ng mga bansa sa Asya.