Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Ang Ibong Adarna ay halimbawa ng isang Korido. Ang Korido ay isang uri ng tula na isang impluwensya ng mga Espanyol sa atin. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
Ang Ibong Adarna ay nilikha ni Jose dela Cruz o mas kilala bilang Huseng Sisiw. Ito ay isinulat noong panahon ng mga Kastila na mapanghanggang ngayon ay bahagi ng Pilipinong Pampanitikan. Ang kumpletong titulo ng koridong ito ay "Korido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na anak ni Haring Fernando at ni Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya".
Ang istory ay umiikot sa sa buhay ni Haring Fernando, Reyna Valeriana, at ang kanilang tatlong mga anak na prinsepe, na sina Pedro, Diego at Juan. Ang tatlong prinsepe ay nagkokompitensya upang maging susunod na hari. Nang magkaroon ng malubhang karamdaman ang kanilang ama kinailangan maghanap ng gamot ang tatlong prinsepe. Ang itinuturong tanging makakapagpagaling sa hari ay ang awit mula sa Ibong Adarna na matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor.
Repleksyon:
Ang paglalakbay ng tatlong magkakapatid upang makuha ang lunas sa karamdaman ng kanilang ama ay nagdulot ng maraming pagsubok at ang tanging nakalagpas sa mga pagsubok at nagtagumpay ay ang may pusong busilak at maganda ang hangarin.
Kasaysayan ng Ibong Adarna:
https://brainly.ph/question/2616866
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.