Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Ano ang kahulugan ng sphere of influence?

Sagot :

Ano ang kahulugan ng Sphere of Influence?

  • Ang Sphere of Influence ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang estado sa aspetong politikal at ekonomiya sa bansang inangkin.
  • Sa katunayan, maaaring maging subsidiya ng isang estado (mananakop) ang isang estado na sinakop.
  • Ilan sa mga sumusunod na pangyayari ay halimbawa ng sphere of influence:

Pilipinas at Spain

  • Sa nakalipas na ilandaang taon at dekada ng pananakop ng mga tanyag na bansa sa Europa sa iba’t ibang panig sa daigdig, hindi maikakaila ang Sphere of Influence sa ilan sa mga bansa sa Asya na nakaranas ng matinding pang-aalipin mula sa mga kanluranin.
  • Isa sa mga halimbawa ng Sphere of Influence ay ang nangyari sa Pilipinas na napasailalim sa kapangyarihan ng Spain sa loob ng mahigit tatlumput tatlong daang (333) taon.
  • Ang ilan sa mga kalsada, gusali, tulay at maging sa istilo ng sasakyan, at iba pang imprastraktura, paniniwalang Kristiyanismo at ilan sa mga pag-uugali ng Pilipino, maging sa pangalan, tradisyon, kultura at iba pa ay mula sa mga impluwensiyang Espanya (Spain).

England, France at China

  • Sa usaping politikal ng Sphere of Influence, isang halimbawa ang naganap sa China matapos matalo sa Digmaang Opyo ng England at France.Nagsimula ang Digmaang Opyo sa pagpigil sa isang mataas na opisyal ng China na makapasok sa isang barkong pag-aari ng British na naglalaman ng opyo, ng hindi pinahintulutan pinilit na pasukin ang barko at kinumpiska at sinunog ang barko ng British.
  • Bukod pa rito, ipinasara na noong una ang mga daungan sa China sa kadahilanang hindi nais ng China na maimpluwensiyahan sila ng mga kanluranin. Sa mga naganap na insidente napukaw ang damdamin ng mga British at sumiklab ang digmaan.
  • Kumampi rin ang France dahil na rin sa isyu ng pagpatay sa isang misyonerong Pranses sa China.
  • Sa dalawang magkasunod na Digmaang Opyo mula 1839 hanggang 1860, ipinakita ng Britain at France ang kanilang lakas at makapangyarihang bansa mula sa Europa laban sa China, kung kaya’t walang nagawa at natalo ang China.
  • Bagamat hindi nasakop ang buong China, iginagalang ng mga mananakop tulad ng England at France ang kani-kanilang Sphere of Influence upang maipagpatuloy ang kanilang tunay na layunin at adhikain sa mga bansa o lugar na sinakop.
  • Hawak (sphere of influence) ng England ang Weihaiwei, Yang Tze Valley at Hongkong samantalang ang France naman ay ang Zhanjiang at Kwangchow, para sa Germany naman ang Kwantung, Qingdao at Yunnan, napunta naman sa Portugal ang Macao at Russia naman ang Manchuria

Ano ang sphre of influence basahin sa:

brainly.ph/question/535244

brainly.ph/question/515840

brainly.ph/question/2137377

#LEARNWITHBRAINLY