IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang pagkakaiba ng pangarap,panaginip,t pantasya


Sagot :

Pangarap, Panaginip at Pantasya

Ang pangarap ay madalas nating naiisip o nagagawan ng paraan sa pisikal na mundo. Ang panaginip ay nagaganap lamang sa ating pag-tulog at ang pantasya naman ay nagyayari sa kalagitnaan ng ating pag-iisip maaring kapag tayo ay nais lumayo sa totoo o pisikal na mundo.

Ang pangarap ay mga mithiin o mga bagay na nais natin makamit sa isang tamang panahon o sa tamang oras. Ito ay mga gawain o posisyon sa buhay na nakapagbibigay sa atin ng magandang tingin sa ating hinaharap. Ang mga pangarap natin ay ating pisikal na nakakamit sa pamamagitan ng pagsisikap ng mabuti.

Halimbawa ng mga Pangarap:

  • Maging isang tanyag na Aktres at makapag-pasaya sa buong bansa
  • Maging doktor at makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pag-gamit ng medisina
  • Makapagpatayo ng sariling bahay
  • Makaipon ng madaming pera upang ibigay tulong sa mga nakatatanda

Maraming uri ng pangarap, ito ay nakadepende sa lugar, buhay at pag-iisip ng isang tao. Kahit man magkakaiba ang ating mga pangarap pareho parin natin itong pinaghihirapan at higit na makakamit sa tamang oras.

Ang panaginip naman ay madalas na nararanasan sa ating pagtulog. Ito ay mga sitwasyon o ano mang uri ng mga pangyayari sa ating buhay na maaring nangyari na o hindi pa nangyayari. Bihira natin makontrol ang ating mga panaginip dahil madalas sa pinaka ilalim ng ating pag-iisip ito nakukuha. Ito rin ay madalas nakukuha sa ating mga emosyon o mga mithiin sa pagkakataong iyon o sa araw na iyon.

Ang Pantasya naman ay nangyayari kapag umaapaw na ang ating imahinasyon sa totoong buhay. Tayo ay naghahanap ng isang bagay na makapagpapagaan ng ating nararamdaman. Ang pagpapantasya ay madalas na nagaganap lamang kapag tayo ay masyadong na lululong sa pag-iisip ng malayo sa reyalidad. Ngunit ganunpaman ang pantasya ay minsan din nating ninanais na makamit sa totoong buhay.

Halimbawa ng mga Pantasya:

  1. Pagiging magaling sa klase at pagkamit ng matataas ng grado araw-araw
  2. Pagiging presidente at pagpapatupad ng mga nais ipatupad
  3. Biglang yaman at pag-bili ng kahit na ano mang gusto mong makamit

Konklusyon, ang pangarap ay ating nakakamit sa pisikal na pag-gawa. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa pagtulog at madalas walang katotohanan tulad ng pantasya. Ang pantasya naman ay isang pag-iisip na malapit sa imposible.

Iba pang impormasyon ukol sa paksa:

Pangarap: https://brainly.ph/question/282837

Panaginip: https://brainly.ph/question/1070116

Pantasya: https://brainly.ph/question/1261152

Keywords: Pangarap, Panaginip, Pantasya, Pagkakaiba ng Pangarap, Panaginip at Pantasya