Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Kababaihan sa renaissance

Sagot :

Kababaihan sa Renaissance

Mayroong ipinagbago ng katayuan ng mga kababaihan sa panahon ng Renaissance mula sa pinagmulan nitong Medieval Ages. Ang dating Patriarchal na Medieval Ages na kung saan ang tangging tungkulin lamang ng mga babae ay magluto, maglinis ng bahay, at mag-alaga ng mga anak. Sa simula ng Renaissance, maliit ang ipinagbago nito, ang mga anak na babae ay pag-aari pa rin ng pamilya at pagdating sa tamang edad ay ibibigay na sa kanyang mapapangasawa na pinili ng kanyang mga magulang. Unti-unti itong nagbago ng magkaroon ng mga kababaihang nagnenegosyo kasama ang mga asaw. Ang papel ng kababaihan ay dahan-dahang humiwalay sa paniniwala noong Medieval Ages na sumusunod sa Biblia pagdating sa karapatan ng kababaihan. Sa kabuoan, ang Renaissance ang unang pinto na bumukas para sa mga kababaihan. Dito ay hindi na sentro ng buhay ang simbahan, ang ibang babae ay pinahintulutan ng pumili ng mapapangasawa, nagkaroon na ang mga babae ng pagkakataong makapag-ayos ng sarili at magpaganda, at bagamat naiwan pa din ang mga “lower class women”, kalaunan ay nakinabang din ang kanilang mga salin-lahi sa pagbabagong nagsimula dito.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/485282

https://brainly.ph/question/105815

https://brainly.ph/question/103609


Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.