IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Transitional Devices:
Ang mga transitional devices ay mistulang mga tulay sa iba’t - ibang bahagi ng akdang isinulat. Ito ay mga pahiwatig na tumutulong sa mga mambabasa na maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akda. Ito ay mga kataga o parirala na tumutulong upang maipahayag ang ideya mula sa isang pangungusap patungo sa iba pang mga pangungusap. Sa pamamagitan nito nabubuo at naipapahayag ng maayos ang mensaheng nakapaloob sa mga pangungusap at talata.
Upang maunawaan kung ano ang transitional devices, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/20394
Iba’t – Ibang Uri ng Transitional Devices Ayon sa Gamit:
- Pagdadagdag
- Pagkukumpara
- Pagbibigay patunay
- Pagpapakita ng Pagkakaiba
- Pagpapakita ng Oras
- Pag uulit
- Pagbibigay diin
- Pagpapakita ng Bunga o Resulta
- Pagbibigay Halimbawa
- Pagbubuod o Pagbibigay ng Konklusyon
Upang malaman ang mga uri ng transitional devices, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/120798
Mga Halimbawa:
- at, muli, bukod, sa huli, magkasinghalaga, sunod, bilang karagdagan, bukod dito, una, at iba
- subalit, sa kabilang banda, ngunit, sa isang banda, sa kabila nito,
- sapagkat, dahil, sa kaparehong dahilan, ang totoo, sa totoo lang,
- gayunpaman, sa kabila ng lahat, paminsan minsan, madalas,
- kaagad, makalipas ang ilang oras, sa wakas, dati rati, noon,
- sa madaling salita, tulad ng nabanggit, napuna ko, kapuna – puna, kapansin – pansin
- sigurado, ang totoo, kung gayon, tunay, tumpak, palagi, walang duda, hanggang sa wakas
- una, ikalawa, ikatlo, sumunod, kasunod nito, sa pagkakataong ito, sa puntong ito, pagkatapos, bago ito
- halimbawa, sa sitwasyong ito, upang ipakita,
- sa kabuuan, gaya ng nabanggit, ayon sa, bilang resulta,
Para sa iba pang halimbawa ng mga transitional devices, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/119793
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.