Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
HILAGANG ASYA
Ang mga bansa sa Hilagang Asya ay Georgia, Armenia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Turkmenistan,Uzbekistan,Tajikistan at Azerbaijan. Kabilang rin dito ang isang lugar sa Russia na tinatawag na Siberia. Ang Hilagang Asya ay tinatawag ding Sentral Kontinente. Ito ang pinakamalaking rehiyon sa Asya ngunit ito rin ang may pinakakakaunting populasyon sa Asya.
Ang Hilagang Asya ay isang rehiyon na kung saan ang klima ay mas mahabang panahon ng taglamig kaysa sa tag-init. Kaya naman, mahirap sa mga halaman kagaya ng punong kahoy ang mabuhay ng matagal rito.
Mga Bansa at Kabisera Nito
Narito ang mga bansa at kabisera ng Hilagang Asya:
- Armenia - Yerevan
- Azerbaijan - Baku
- Georgia - T'bilisi
- Kazakhstan - Astana
- Kyrgyzstan - Bishkek
- Mongolia - Ulaanbaatar (Ulanbator)
- Tajikistan - Dushanbe
- Turkmenistan -Ashgabat
- Uzbekistan -Tashkent
Ang Hilagang Asya ay parte ng kontinenteng Asya na kung saan may mga malalawak na lugar. Matatagpuan rin dito ang Dagat Barents, Arctic Ocean at Dagat ng Silangang Siberia. Sa kabila ng klima na nararanasan rito, marami pa ring mga kabuhayan na puwedeng gawin o isagwa. Isa pa, marami ring magagandang tanawin at establishments na makikita rito.
- Para maunawaan ang kahulugan ng Sentral Kontinental: https://brainly.ph/question/1584506
- Para mas maging malinaw ang mga bansa sa Hilagang Asya at sa iba pang parte ng Asya: https://brainly.ph/question/305471
- Para maunawaan ang kahulugan ng kontinente: https://brainly.ph/question/126294
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.