IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
10 halimbawa ng Pang uri:
- Matalino
- Mayabang
- Puti
- Kayumanggi
- Masipag
- Madilim
- Makulit
- Tahimik
- Masungit
- Malakas
Ang sampung halimbawa ng pangungusap at halimbawa nito sa pangungusap
- Matalino Halimbawa: Ang batang si Elsa ay matalino kaya kinagigiliwan siya ng lahat.
- Puti Halimbawa: Puti ang kanyang sapatos.
- Kayumanggi Halimbawa: Kayumanggi ang kulay ng balat nating mga Pilipino.
- Masipag Halimbawa: Ang aking ama ay masipag kaya kami ay umunlad.
- Madilim Halimbawa: Madilim sa daan kaya kami ay naligaw.
- Makulit Halimbawa: Ang batang makulit ay si Kyle.
- Tahimik Halimbawa: Tahimik ang lugar na aming napuntahan.
- Masungit Halimbawa: Masungit ang tindera sa palengke.
- Malakas Halimbawa: Malakas ang ulan ng kami ay umalis.
- Mayabang Halimbawa: Ang taong mayabang ay kinaiinisan ng marami.
Pang uri - ay ang mga salitang ginagamit upang maglarawan sa tao,bagay,hayop,at pook o lugar.
i-click ang link para sa dagdag kaalaman brainly.ph/question/108551
May tatlong kailanan ang pang uri
- Iasahan
Halimbawa: May isang bahay na napakaganda.
- Dalawahan
Halimbawa: Ang dalawang bata ay nag uunahan sa pagtakbo.
- Maramihan
Halimbawa: Tayong lahat ay anak ng diyos.
Mayroon tayong tatlong Uri ng Pang-uri
- Panlarawan - ito ay tumutukoy sa Hugis,kulay, katangian o pisikal na kaanyuan
- Pamilang - ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng pangalan.
- Pantangi - ito ay nagsisimula sa malaking titik at binubuo ng pangngalang pambalana at isang pangngalang pangtangi,ito ay tumutukoy at naglalarawan sa sa uri ng pangangalang pambalana. (Paborito kung kaininin sa almusal ang longganisang Lucban.)
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
brainly.ph/question/1857553
Kaantasan ng Pang-uri
- Lantay - ito ang kaantasan ng pang uri na naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Halalimbawa: ( Si Ella ay maganda.)
- Pahambing - pinaghahambing nito ang dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Magkatulad at di magkatulad Halimbawa: ( Mas magaling magtalumpati si Tony kesa kay Jun.) (Magsinganda ang magkaibigan sina Girly at Danella.)
- Pasukdol -tumutukoy kung naglalarawan ng higit sa dalawang bagay. Halimbawa: (Walang kasing galing ang kanilang grupo sa pagsayaw.)
Buksan para sa karagdagang kaalaman brainly.ph/question/940151
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.